Subscribe to DS and join the notification squad! Subscribe: https://bit.ly/SubDopeStreet Latest tracks: https://bit.ly/DSLatestTracks Flow G: https://www.facebook.com/plojiflwg https://www.instagram.com/plojiflowg https://www.youtube.com/c/FLOWG Gloc-9: https://www.facebook.com/glocdash9 https://www.instagram.com/glocdash9 https://www.youtube.com/c/Gloc9official Official Music Video: https://youtu.be/Z2ltNBqzBKk Lyrics: [Verse 1: Flow G] Mahal kamusta? Sarap ba gising mo buti nakatulog ka Ako eto simula nung nangyari lahat 'to ay binabangungot na Ligaw na ligaw 'di alam kung sa'n pupunta halos malunod na Dahil sa pagkalugmok na may halong lungkot kaya laging nagluluksa Nabugbog pa kahit na utak ko lang ang kalaban ako ay nadurog Kahit na sa tinik ako'y natusok ay naging tahimik hindi na rin para humugot May luhang tutulo tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot, ako ay nahulog Biktima sa sitwasyon na may aral paring mapupulot Pero 'wag mag-aalala kahit papa'no nakakahinga Hindi nakatulong 'yung kasabihang pag napagod kailangan lang magpahinga Ilang gabi na, na nakadilat parin ako kahit gabing-gabi na Pero hindi parin magmakaawa kahit na kawawa't aping-api na Ikaw kamusta ka d'yan? sana hindi mo 'to mapakinggan Kase ayaw ko sabihin mo sa sinabi ko ikaw ang pinaparinggan Sumakay ako sa alon mo kase akala ko pareho tayo na gustong magkapitan Eh 'di sana 'di na nagkainteres sa interes ko eto ang bunga ng kapital [Chorus: Flow G] 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat [Post-Chorus: Flow G] Mga ala-ala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa na magkasama, wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya Yun ang 'di ko kaya [Verse 2: Flow G] Buti ka pa parang hindi mo iniinda Habang ako ay hirap na matulog at sana hindi na gumising pa Gusto ko ng medisina para hindi na makadama ng sakit sa tuwina Pampamanhid bibilhin ko agad kung meron man nagtitinda 'Di ko na pinilit alamin ang totoo kase iniisip ko baka mas lalong gumulo Yung sabay natin na binuo nawala rin kaagad kase puno ng ala-alang madugo Pagkamag-isa nakaupo madalas nakayuko kasabay ng luha ayaw matuyo Pag may kaharap na ibang tao naku po magpapangggap na buo Kailangan masaya ako palagi kahit na hindi na katulad ng dati Para 'di nila isipin na nahihiripan ako sa lahat na nangyayari Sinasarili ang bawat kirot na pinapasan sa likod Dapat nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga imbis na hinog Mahirap magpanggap na ayos lang Kaso kailangan sa ganitong kaganapan Ay dapat agapang makita ang 'yong kahinaan Para hindi kaawaan o pagtawanan Mahirap palang maranasang masaktan Sa kamay ng napiling pakisamahan [Chorus: Flow G] 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat [Post-Chorus: Flow G] Mga ala-ala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa na magkasama, wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya Yun ang 'di ko kaya [Verse 3: Gloc 9] Sana ako'y tulad ng iba Kaya kang iwanan d'yan na mag-isa Luha mo ay hindi pupunasan Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi ganun Tinulungan kang makalipad Para sa'yo ay nakahanda akong gawin ang lahat Wala na sa'king natira baliwala pa Pakinggan n'yo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna Bakit ganun ang panahon Ako ay napakaraming tanong Akala ko ay dinala kita sa palasyo Pero sabi mo ay kinahon Ang dating tayo na palaging masaya at nagsasama ng matiwasay Init ng apoy na namamatay Panggatong ako na lamang ang naglalagay Ano ba sa iyong palagay Inakay na kita makadaan sa landas na madilim 'Di naman ako yung tipo na lalaki iiwanan ka na lamang kase natapos na kitang pitasin Napakahirap abutin 'di mo ba napansin, dinidiligan ko ang 'yong hardin Inaabangan na dumating bakit madalas ka na yatang inabutan ng dilim O bakit parang lumalalim ang sugat Ayaw kong tingnan kahit laging nakamulat Alam ko na ang siyang nilalaman ng sulat Mabigat pero 'di na magugulat Hinihintay kita makauwi lumuluha kahit nakangiti Lungkot na palagi kong buhat hindi ko masukat pilitin ko maikubli Balita ko may sinasabi ang mga chismosa na ale 'Di ko inakala 'to grabe sa ulo ko ay may tae [Chorus: Gloc 9] 'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak Ang bilis ng pangyayari't naganap Kaya maging ako'y gulat na gulat [Post-Chorus: Gloc 9] Mga ala-ala na nakakatakot maalala Naranasan nating dalawa na magkasama, wala na Napalitan na ng lungkot ang ligaya Yun ang 'di ko kaya Wallpaper: https://unsplash.com Dope Street's Official Accounts: https://www.facebook.com/dopestmusicph https://www.instagram.com/dopestmusicph https://www.twitter.com/dopestmusicph For Music Submissions, Email at: Email: dopestreet.submissions@gmail.com Feel free to share this video but do not reupload. Thank you! #IbongAdarna #FlowG #Gloc9 #SupportLocal #DopeStreet