Ang Yellow Stone National Park ay ang isa sa pinaka magandang likha ng kalikasan. Sabi nila ay para itong paraiso dahil sa pambihirang mga tanawin at bukod tanging mga nilalang na naninirahan dito. Ngunit alam mo ba? Na sa ilalim ng tila ba “ picture perfect” na tourist attraction na ito ay may natutulog na peligro na kapag nagising ay kaya daw tapusin ang lahat ng may buhay sa ating mundo. Ngayong araw ay tutuklasin natin ang Yellow Stone Caldera o kilala din bilang Yellow Stone SuperVolcano. Kung trip mo nga pala ang ganitong uri ng video ay wag mo kalimutan magsubscribe, pindutin mo na rin yang bell para updated ka sa mga susunod nating upload. Ano nga ba ang isang Super Volcano? Super volcano ang tawag sa mga bulkan na may rating na VEI 8 sa Volcanic Explosivity Index. Nabanggit natin sa ating nakaraang video, na ito ay ang pagsukat sa dami ng abo at taas ng kaulapan na dinulot ng pagsabog ng isang bulkan. Kada level o antas sa Volcanic Explosivity Index ay nangangahulugan ng 10 beses na mas malakas na pagsabog. Ang Yellow Stone Caldera ay isang supervolcano sa ilalim ng Yellow Stone National Park na makikita sa Kanlurang bahagi ng Estados Unidos. Ito ay nabuo dahil sa tatlong super eruptions. “Super Eruptions” ang tawag sa mga pinakamalalakas na pagsabog ng bulkan sa kasaysayan ng mundo. Ang una ay noong 2.1 million taon na ang nakaraan. Pangalawa ay noong 1.3 million taon na ang nakaraan. At ang huli at siyang bumuo sa kasulukuyang Yellow Stone ay naganap noong 630,00 taon ang nakakaraan. Kung mapapansin ang Yellow Stone ay sumasabog sa interval o pagitan na 600,000 taon. Kung susundin ang trend na ito, ibig sabihin tayong mga tao sa kasalukuyan ay nabubuhay sa timeframe kung kailan pwedeng pwede sumabog ang Yellow Stone. Nakakatakot isipin hindi ba? Ngunit alam mo ba na kahit ganito ka delikado ang Yellow Stone ay pang-21 lang ito sa listahan ng mga pinakadelikadong bulkan sa America Bakit kaya? Una ay kakulangan ng data. Hindi sapat ang pagtukoy sa 3 pinakahuling pagsabog ng Yellow Stone para mahulaan ang susunod nitong pagsabog. Ayon sa mga siyentipiko mataas ang posibilidad na ang mga pagsabog na ito ay nagkataon din lamang. Pangalawa ay ang istruktura mismo ng yellow stone bilang isang supervolcano. Para kasi sumabog ang isang supervolcano ay kailangan na tunaw ang 50% ng supply nitong material. Ibig sabihin kailangan ay kalahati o higit pa ang porsyento ng magma o tunaw bato sa ilalim. Sa kaso ng Yellow Stone ay malayo itong mangyari. Mayroon itong 2 magma chambers. Ang isang chamber na pinakamalapit sa balat ng mundo ay mayroong lamang 15% na magma habang ang natitirang 85% ay binubuo ng solidong mga crystal. Ang ikalawang magma chamber na nasa ilalim na bahagi at higit na malaki kaysa sa nauna ay mayroon lamang 2% ng tunaw na bato o magma. Hindi isinasantabi ang pagputok ng Yellow Stone. Pero ang possibilidad na ito ay maaaring mas mababa pa sa chansa na makahanap ng isang particular na butil ng buhangin sa lahat ng dalampasigan ng ating mundo. #TuklasTV #KMJS #Kaalaman #ClarkTV *** Credits: Some inspiration for the ending scenario: AlternateHistoryHub, What if Yellow Stone Erupts? https://www.youtube.com/watch?v=d3cTKvfL4NA&t=1s Music: Magic Forest, Kevin MacLeod CC Attribution BY-SA 4.0 https://incompetech.filmmusic.io/song/4012-magic-forest/ Echoes of Time, Kevin MacLeod CC Attribution BY-SA 4.0 https://incompetech.filmmusic.io/song/3699-echoes-of-time/ *** Disclaimer: All the videos, songs, images, and graphics used in the video belong to their respective owners and I or this channel does not claim any right over them. Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.