Video Title: HOW TO BE POSITIVE AND HAPPY ALL THE TIME - MOTIVATIONAL VIDEO Kapag iniisip natin ang salitang POSITIBO, siguradong iniisip din natin na ito'y KALIGAYAHAN. Gayunpaman, ang kaligayahan ay hindi lamang uri ng pagiging positibo. Maraming mga paraan upang maging mas POSITIBO sa 'yong buhay, kahit na nakakaranas ka ng kalungkutan, galit, o mga hamon. Iminumungkahi ng pananaliksik na mayroon tayong kakayahan upang pumili ng positibong damdamin at may paraan din tayo kung paano mag-isip ng tama. Sa katunayan, ang ating emosyon ay literal na binabago ang ating katawan. Marami sa ating mga karanasan sa buhay ay isang resulta kung paano natin binibigyang kahulugan ang nangyari sa ating paligid. Sa kabutihang palad, sa halip na pigilan o subukang "alisin" ang mga negatibong damdamin, pwede nating bigyang kahulugan at tugunan ang mga ito sa ibang paraan. Sanayin mo na pakalmahin ang iyong isipan, habaan mo ang iyong pasensya, at pagtiyagaan mo, magiging positibo ka rin. Kung gusto mong maging tunay na POSITIBO, simulan mo 'to sa sarili mo. NUMBER 1 TANGGAPIN MO ANG IYONG SITWASYON Hindi mo mababago ang iyong pag-iisip kung hindi mo tanggap kung ano ang sitwasyon mo, kung ano ang problema mo. Ang pagtanggap na mayroon kang mga negatibong iniisip at damdamin, at na hindi mo nasiyahan kung paano mo tinutugunan ang mga ito, ay makakatulong sa 'yo na simulan ang proseso ng pagbabago. 'Wag kang magalit sa isip at damdamin mo. Tandaan mo 'to, ang mga iniisip na sumusulpot sa isipan mo at ang nadarama mo ay HINDI "MABUTI" man o "MASAMA," ang mga ito ay isip at damdamin lamang. Ang maaari mong makontrol ay kung paano mo bigyang-kahulugan at tugunan ang mga ito. Magiging negatibo lang 'yon kung mali ang pang-unawa mo. Ibig sabihin na IKAW pa rin ang may kontrol. Tanggapin mo rin ang mga bagay tungkol sa 'yong sarili na hindi mo mababago. Halimbawa, kung ikaw ay isang introverted na tao na nangangailangan ng tahimik na oras na nag-iisa upang "makapag-charge," kung pilit mong subukan maging isang extrovert sa lahat ng oras, marahil ay malulungkot ka lang sa resulta. Ibig sabihin na tanggapin mo kung introvert ka o ika'y extrovert. 'Wag mong piliting baguhin ang sarili mo kung may negatibong epekto naman ito sa 'yo. Tanggapin mo kung sino ka talaga. You can then feel free to develop that self into the most positive self you can be. TRANSCRIPT: https://bit.ly/3Aq1Ks1 ▶ Hope [Emotional Inspiring Music] by Ghostrifter https://soundcloud.com/ghostrifter-official Music provided by https://www.plugnplaymusic.net ▶ Raw Travel Deadliest Mountain Range - No Copyright Videos Video Link: https://youtu.be/z3LvbhPmCw0 -------------------------------------------------------------------------------------------- Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: junbal2177@gmail.com -------------------------------------------------------------------------------------------- Speaker: Brain Power https://www.youtube.com/brainpower2177 Facebook Page: https://www.facebook.com/brainpower2177 Instagram: @junbal2177 Twitter: @BrainPower2177 If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell - https://www.youtube.com/brainpower2177 ---------------------------------------------------------------------------------------------- #HowToBePositive #HowToBeHappy #BrainPower2177