Sa likod ng maganda at perpekto nitong anyo, tila ba mahirap mabatid na sa mahigit 20 aktibong bulkan ng Pilipinas ang Bulkang Mayon ang isa sa Pinakadelikado. Ang stratovolcano na ito ay makikita sa probinsya ng Albay sa Bicol Region.Ang mga starto o composite volcano tulad ng Mayon ay nabuo dahil sa pagpapatong-patong ng natuyong lava at iba pang pyroclastic material. Sa kasulukuyan tila ba gising na naman ang bulkan itinaas na ng PHIVOLCS ang banta nito sa Alert 3.Hindi magkakatulad ang interpretasyon ng mga Alert Levels sa bawat bulkan. Para sa Mayon ang Alert 3 ay nangangahulugan ng “Relatively High Unrest”.Ibig sabihin nito malapit na ang magma sa crater. Nagiging malimit na rin ang mga paglindol sa paligid at kung patuloy pa ang mga pagyanig na ito sa mga susunod na linggo ay tumataas ang tsansa ng eruption o pagsabog. Ilang mga scenario ang nakikita ng PHIVOLCS para sa kasalukuyang pag-aalboroto ng Mayon.Isa na dito ang naganap noong 2014 kung saan nagbuga ng usok at lava flow ang bulkan.Isang lava dome na may taas na higit sa 30 metro ang nabuo ngunit matapos ang ilang linggo ay tumigil din naman ito. Posible rin ang nangyari noong 2018 kung saan nagkaroon ng phreatic eruption.Ang Phreatic eruption o steam blast eruption ay nagaganap kapag uminit ang ground water dahil sa magma. Sobrang init ng magma na may temperatura na mula 500-1170 degree Celsius.Nagkakaroon ng biglaang evaporation kung saan ang tubig ay nagiging steam o singaw.Isang malakas na pagsabog ang nagaganap dahil sa pagkawala ng matinding enerhiya. Noong January 14, 2018 nagkaroon ng 3 Phreatic Eruptions ang Mayon. January 16 ng kaparehas na taon ay nagdeklara na ng State of Calamity dahil halos umabot na ang lava flow sa evacuation limit na 6 kilometers. Isa rin namang posibilidad na umatras ang lava sa bunganga ng bulkan at hindi na ito tumuloy. Sa ngayon sigurado na may nagaganap na magmatic eruptions sa bulkan. Patuloy dito ang pagtaas ng bilang ng mga rockfall events,mula 54 noong June 1-4 hanggang 267 nitong June 5-8. Halos limang beses ang itinaas sa parehong apat na araw. Ayon sa mga saksi may nakikita na rin silang mga PDC o Pyroclastic Density Currents.Uson ang tawag dito ng mga taga Albay at ito ang pinaka delikadong pangyayari na maaaring maranasan ng mga komunidad malapit sa bulkan. Ito ay binubuo ng pinaghalong mga abo, mainit na bato at volcanic gas na umaagos pababa ng bulkan.Ayon sa Chief ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction ng Phivolcs na si Miss Mariton Bornas sa ngayon ay isang kilometro pa lamang ang naabot ng mga PDC na ito. Ngunit maaari pa itong lumayo sakali man na tumidi pa ang mga aktibidad sa bulkan. Hindi pa nakikita ang malaking pagsabog ng Mayon dahil maliit pa ang build-up ng gas sa loob nito.Natutukoy ito sa emission ng Sulfur Dioxide ng bulkan.Ayon kay Miss Mariton Bornas mababa pa ang sulfur dioxide emission ng bulkan kumpara sa baseline nito na 500 tons per day. Maliit pa ang pressure sa loob ng bulkan kaya naman mabagal pa ang paglabas ng lava mula sa bunganga nito.Sa ilalaim ng Alert Level 3 pinapayuhan ng Phivolcs na lumikas na ang lahat ng nasa 6 kilometer danger zone. *** Subscribe: https://bit.ly/2G7o3bE For inquiries: https://bit.ly/37pg2uE *** *** Tags: #mayonvolcano #mayoneruption #phivolcs #phivolcsdost #bulkangtaal #bulkangmayon #mayon2023 #taal2023 Topics: taal volcano eruption 2023, mayon volcano eruption 2023, kanlaon volcano euption 2023, phreatic eruption, june 2023 volcano eruption, phivolcs 2023, bulkang mayon update, taal volcano update, mayon volcano update 2023, alert level mayon, pinakadelikadong bulkan sa pilipinas *** Music by: Echoes of Time, Kevin MacLeod CC Attribution BY-SA 4.0 https://incompetech.filmmusic.io/song... Disclaimer: All the videos, songs, images, and graphics used in the video belong to their respective owners and I or this channel does not claim any right over them. Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.