Sa ngayon ay binabantayan ng PHILVOLCS ang apat na Aktibong Bulkan sa Pilipinas, Ang Mt. Kanlaon, Taal Voclano, Mt Mayon at ang Mt Bulusan May kakayahan nga kaya ang mga volcanologist malaman kung sasasabog na ang isang bulkan? Ito ay nakadepende kung may sapat na silang kaalaman sa nakaraan ng bulkan pati na ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya na may kakayahang mapag aralan ng ibat ibang datos tungkol sa bulkan. 1. Una sa mga senyales ay ang MADALAS NA PAGKAKAROON NG VOLCANIC EARTHQUAKE na may ksamang kakaibang tunog, ang patuloy na paggalaw ng magma sa loob ng bulkan ang siyang nagdudulot nito. 2. Ikalawa naman ay ANG PAGDAMI NG SINGAW O STEAM NA LUMALABAS SA CRATER NG BULKAN, kasama na rin ang pagbabagong kulay nito mula sa natural na kulay puti hanggang sa maging kulay abo ito dahil sa paglabas ng volcanic ash. 3. IKATLO naman ay ANG PAMUMULA ng crater ng bulkan dahil sa pagkakaroon ng MAGMA malapit sa crater nito. 4. PAMIMINTOG NG LUPA O PA GBABAGONG LEBEL NG LUPa dahil sa pagpasok ng magma sa mga espasyo sa lupa, 5. PAGKAKAROON NG LANDSLIDE sa paligid ng BULKAN na hindi dulot ng ULAN, bagkus ay dulot ng mahinang pagyanig ng lupa 6. Pagkatuyo ng taniman sa paliging ng bulkan, nangyayari ito dahil sa pagtaas ng temperatura ng bulkan tuwing nalalapit ang pagsabog nito 7. ANG PAGTAAS NG TEMPERATURE NG MGA BAHAGIN NG TUBIG SA CRATER NITO, 8. ANG PAGBABAGONG KEMIKAL NG LAWA NA MALAPIT SA BULKAN , dahil sa paglabas ng VOLCANIC gases tulad ng Carbon dioxide, Sulfur dioxide at hydrogen sulfide. 9. ANG PAGKATUYO NG TUBIG SA PALIGID NG BULKAN na dulot ng pagtaas na rin ng temperature. 10 ang PAGLITAW NG BAGONG SINAGAWAN NG INIT MALAPIT SA CRATER NG BULKAN Ang mga senyales na ito ay makakatulong sa atin upang maging handa sa lahat ng oras, lalo na kung nakatira tayo malapit sa isang aktibong bulkan.

#taalupdatetoday#bulkan#kaalaman#taalupdate