Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) sa budget deliberation nito sa Senado ang epekto ng mga repormang ipinatutupad nito sa karaniwang mamamayan, kabilang ang pagbabago sa antas ng ebidensyang kailangan bago maisakdal sa kasong kriminal. Ayon kay DOJ Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, dati ay “probable cause” lamang ang batayan sa pagsasampa ng kaso—isang mas mababang pamantayan ng ebidensya na nagiging dahilan kung bakit ang mga ordinaryong mamamayan na walang sapat na representasyon ay maaaring makasuhan o makulong kahit kulang ang ebidensya. Bilang tugon, bumuo ang DOJ ng bagong pamantayan na tinatawag na “prima facie evidence,” kung saan tinitiyak muna ng hukom na may sapat na ebidensya bago payagang umusad ang kaso sa paglilitis. Para sa karagdagang balita, Website ► www.bomboradyo.com YouTube ► youtube.com/BomboRadyoPhilippines1 Twitter ► twitter.com/BomboRadyoNews TikTok ► www.tiktok.com/@bomboradyoph