Nitong January 12, 2020 ay pumutok ang Taal Volcano. Tuklasin sa ating video ang mga kaalaman tungkol sa bulkang Taal, ganoon na rin ang panganib at banta na kaya nitong idulot sa ating mga tao. Isa sa pinakamaliit ngunit nakakamatay na bulkan sa buong mundo ang bulkang Taal. At kahapon, January 12, 2020 ay muli nitong ipinamalas ang kanyang bagsik. Hindi mo aakalain na ang isa sa paboritong pasyalan ng mga taga Southern Tagalog at Metro Manila ay kaya palang magdala ng bangungunot. Ngayong araw paguusapan natin ang bulkang taal, ang mga pagsabog nito at ang banta na kaya nitong idulot. Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, kaya naman lahat ng bulkan dito ay kinukunsidera bilang aktibo. Ang bulkang taal ang pangalawa sa pinaka aktibong bulkan sa ating bansa, sinundan nito ang Mayon na nasa Bicol. Popular bilang isang tourist attraction. Sino ba naman ang hindi mamamangha sa Taal? Isang maliit na bulkan sa loob ng isang lawa,na nasa loob isang bulkan. “Nakakabilib, hindi ba?” Ang mga bayan at barangay na nakapalibot sa lawa ng Taal ay parte ng isang malaking Caldera. Sa madaling sabi, ang mga lugar na ito ay bunganga dati ng isang super volcano. Mga 500,000 years na ang nakakaraan. Kahit maliit ang Taal ay itinuturing ito na isa sa pinaka nakakamatay na bulkan sa buong mundo. Halos 6,000 na katao na nga ang naitala na nasawi dahil sa mga pagsabog nito sa kasaysayan. Tanong, “Ano bang klase ng pagsabog ang naganap sa Taal nitong January 12, 2020?” Ito ay tinatawag na Phreatic Eruption o Phreatic Explosion. Nangyayari ang ganitong uri ng pagsabog kapag nainitan ng magma yung tubig sa ilalim ng lupa. Sobrang taas ng temperatura kaya nag e-evaporate yung tubig at nagiging steam o singaw. Na nagiging dahilan naman ng pagsabog. Maihahalintulad natin yan sa isang takure na tinakpan mo ang butas. Kapag sobrang init na ay asahan natin na tatalsik ang takip dahil sa sobra sobrang enerhiya na hind nai kayang I-contain ng takure. Kadalasan ang inilalabas ng isang Phreatic Eruption ay tubig, abo at mga bato. Kapag may lava o magma na itong kasama ay hindi na Phreatic Eruption ang tawag dito kung hindi Phreato Magmatic Eruption. Tanong, “Bakit may malalakas na kidlat ng sumbaog ang Taal?” Ang Tawag sa ganitong uri ng kidlat ay volcanic lightning. Ang pagsabog ng bulkang taal ay naglabas ng maliliit na particles sa hangin gaya ng abo. Nagkikiskisan ito sa hangin kaya nagkakaraon ng static electricity na nagiging kidlat. Kung mas maraming abo na inilabas ang isang bulkan ay asahan na mas marami at malalakas ang mga kidlat o volcanic lightning na mabubuo dahil dito. Tanong, “Ano ba nag worst case scenario na pwedeng mangyari sa pagputok ng Taal?” Ayon sa mga lumang record ng PhilVolcs ang pagputok ng Taal noong 1754 ang pinaka malala sa kasaysayan. Sa loob ng 7 buwan ay patuloy na pumuputok ang Taal, na nagtabaon ng tubig at lahar sa mg adating bayan na nakapalibot dito. Kung mangyayari sa panahon natin ngayon ay sobrang laking pinsala ang mararanasan hindi lang ng mga taga Batangas kundi ng kalakihan ng Luzon. Sana ay hindi na tayo umabot sa ganitong scenario at tumigil na ang pagputok na Taal. *** Subscribe: https://bit.ly/2kB3qxL #KMJS #TuklasTV #Kaalaman#ClarkTVFacts #Bulkan #PhreatoMagmatic #PhreaticEruption *** CREDITS: Music: Echoes of Time, Kevin MacLeod CC Attribution BY-SA 4.0 https://incompetech.filmmusic.io/song/3699-echoes-of-time/ DISCLAIMER: All the videos, songs, images, and graphics used in the video belong to their respective owners and I or this channel does not claim any right over them. Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.