Tiniyak ni Palace Spokesperson Usec. Claire Castro na nakabantay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa inaasahang malawakang “traffic flood” o Distributed Denial of Service (DDoS) attack sa internet sa darating na Nobyembre 5, isang uri ng cyber assault na maaaring magdulot ng matinding pagkaantala sa pag-access ng mga website at apps. Inihalintulad ito ng DICT sa isang matinding traffic jam sa internet: sabay-sabay na sinusubukang pasukin ng mga hacker ang isang website o application, na nagreresulta sa pagbagal ng serbisyo o hindi agad mabuksang site/app—na para bang sinadyang isara ang daan sa mga lehitimong gumagamit. Para sa karagdagang balita: Website ► www.bomboradyo.com YouTube ► youtube.com/BomboRadyoPhilippines1 Twitter ► twitter.com/BomboRadyoNews TikTok ► www.tiktok.com/@bomboradyoph